Tuesday, March 15, 2011

Yes, Master/Leader.

Popo naman kasi diba? Bitter na rin ako kay JILL. Eh kasi naman, ang galing-galing mong mag-leader-leader-an tapos hindi mo gagawin yung responsibility mo as a leader? Napaka-irresponsible mong tao. Tapos kapag kinontra ka, magagalit ka? Ano ka? Tae? Ang sarap mong i-dispose eh! Akala mo naman porket may position ka sa room, ganyan ka na umasta? Tss. Utot mo. Akala mo rin kung sino kang magaling. Hindi ko sinasabing responsible ako pero alam ko naman na kapag may responsibility ako, ginagawa ko or else, I won't take that responsibility na lang kasi alam kong hindi ko kaya eh. Tapos magaling ka lang sa simula eh. Sa una, gustong-gusto mo tapos bigla pag nasa kalagitnaan ka na ng ginagawa mo, ayaw mo na. Example na lang, sa sayaw. Sa una, nagagalit-galit ka pa kasi hindi sumusunod sa iyo yung mga "members" mo tapos bigla bigla hindi mo aayusin yung mga steps sa sayaw. Kung mabasa mo man ito, pasensyahan tayo. Pasalamat ka, hindi pa ako ganun ka-bitter sa iyo at mild pa lang ito. Pero isang-isa na lang bi-BINGO ka na sa akin! Kanina tinanong kita, "Jill, pano yung part na wala tayong sayaw?" Sabi mo naman ng may conviction,"Meron na yan! Ako bahala." Tapos tinanong ulit kita, "Sure?" Sabi mo,"Oo sure." Tapos bigla na lang, nagkalat tayo. Ano ito, lokohan? Hoy, PERIODICAL EXAM GRADES ko/namin ang nakasalalay doon. Tapos ganun lang? Hindi man lang inayos? Eh yung swing nga dapat na sayaw natin naging cha-cha na ewan eh. Ni-hindi nga natin naipakita yung swing? Popo. Sana naman, kung tinatamad ka na ay sinabi mo! Tapos nung isang araw, practice natin, sinigaw mo pa yung pangalan ko na lumapit sa iyo. Eh papunta naman sa iyo, kung makasigaw ka naman ay wagas. Anong akala mo sa akin, BINGI? Asa men! Kita mo namang papunta at palapit na sa iyo, sisigaw ka pa? Nasaan ka? BUNDOK? Tapos eksenador ka pa. Tss. Tapos may narinig pa akong kuwento, dapat ikaw yung RESPONSIBLE sa pagbili ng t-shirt natin para sa section natin pero anong nangyari? Yung ibang classmates natin yung umasikaso! Nanood ka lang naman daw ng sine! Pwede ka namang bumili ng DVD kaysa ipasa ang responsibilidad mo sa iba diba? Gusto kong ibitin ka ng patiwarik eh tapos balatan ng buhay. Pero hindi ko kaya, sa utak ko lang. Hindi naman ako ganun ka-bitter para gawin ko iyon sa iyo. Pasalamat ka rin at napapakisamahan pa kita.

Tuesday, March 1, 2011

Ooh baby, you're bringing me down.

Sa totoo lang, na-post ko na ito sa tumblr ko. Pero gusto ko lang i-repost ulit. :[ Depressed ako.
May sarili akong diskarte sa buhay. You don’t have to tell me that I have to do this instantly, I have to do that now. Ayokong biglain, dahan-dahan lang. -_____________-“
.
My life? I don’t know. Because instead of encouraging me, you are bringing my feelings down. YOU are blaming me and it just “SHEESH”. I’m crazy. Nanghihina na pati buong katawan ko, I give up. I didn’t do anything, really. :[ Wala naman talaga iyon eh, ganyan lang talaga kayo.
.
Naiinis ako. Naiinis ako. Naiinis ako.
.
Kanino? Kanino? Kanino? Kanino?
.
Sa sarili ko. Walang kwentang tao ako. Emo na kung emo, eh iyon naman talaga ang nararamdaman ko sa ngayon eh. :[ Sa mga kakilala ko in person na nakakabasa nito, wag niyo naman sana akong husgahan. Feeling ko kasi pini-pressure ako eh. Sana hindi ulit ako makahinga ng maayos. At sana, sa hindi ko paghinga ng maayos…matapos na lahat ng ito. :’(.
Bakit ba kasi napakalungkot ko? Malapit na nga birthday ko, nagkakaganito pa ang buhay ko. :( BAKIT?
.
Oo, aaminin ko na. May pagka-emo ako. Mahina ako. Hindi ko kaya ang ganito. Ayoko na, sumusuko ako agad. :( Minsan gusto ko nang mawala sa mundong ibabaw na ito, gusto ko nang wakasan ang buhay ko pero ayoko. Iniisip ko lang iyon. Pero isa talaga akong malungkutin na bata. Kasi naiisip ko..”Will it be worth it if I would just kill myself?” Kasi hindi naman solusyon ang mamatay para mawakasan lahat ng ito eh. Hindi ko alam. Oo, may pagka-emo ako pero hindi ko naman kayang bawiin ang sarili kong buhay. Siguro ay hindi ako katulad ng mga emo na naglalaslas. Emotional lang talaga ako. Kasi yung iba iniisip na kapag emo ka, dapat ganito ganyan. Pero siguro, ibang klase yung pagka-emo ko. :[.Naiilang ako sa mga matang nakatingin sa akin habang naglalakad ako, nakaupo, nakatayo, o kung ano pa man ang ginagawa ko. Parang may isang krimen akong nagawa. Para bang napakalaki ng kasalanan ko. Sa pagkakaalam ko, wala naman. Hindi naman ako pumatay ng tao. Hindi ako nagnakaw. Wala. Wala akong ginagawa para tignan ninyo ng ganyan..Gustong lumuha ng aking damdamin ngunit hindi ko ito mailabas dahil ayaw ng aking mata at luha. Hindi sila nakikisama. :[.Basta, nalulungkot ako. Sobrang lungkot ko. :[ Ayoko na.

Monday, February 28, 2011

Klaro.

Hindi ako mabait. Nais ko lamang ipaliwanag ang aking sarili about sa blog post ko na kasama si Pooh. Oo, nagmura ako. Alam kong masama iyon. Nadala lamang ako ng inis ko. Hindi naman ako ganoon palamura. Gusto ko na ngang baguhin. Konti na lang akong magmura ngayon at hindi rin ako nagmumura ng matinding mura katulad ng *TOOOOOOOOOOOOOOOOT* (syempre censored yun, hindi nga ako nagmumura ng ganun eh diba?) siguro naman, mild lang yung mga mura ko at saka kapag sobrang naiinis lang ako. Hindi ko naman kasi ginagawang expression ang mura. Hindi ko habit iyon. Occasional lang kumbaga. Haha. Inaalis ko na nga iyon sa aking sistema eh. Kaya sana huwag niyo akong impluwensiyahang muli. Madali lang kasi ako maimpluwensiyahan ng ganun. Kaya ayun. Sana ay ako'y inyong maunawaan. Hindi naman madaling magbago. Dumadaan naman iyan sa mahabang proseso. ^__________________________________________^V

Friday, February 18, 2011

May Future Ako :]

Mayroon akong nais ikuwento sa inyo na ilang tao na naging bahagi ng buhay ko sa buong linggong ito.

  1. Si Pooh. Siguro nga ay hindi niyo siya kilala ngunit nais ko siyang ikuwento sa inyo. Last Tuesday, I was talking to my friends about anything nang may marinig akong pangalan na si Pooh nga iyon at narinig ko na naman ang ginawa niya, tinanong ko agad ang aking mga kasama kung ano na naman ang ginawa niya para lamang makasigurado at bigla kong nasabi, "Pwede pamura? Pangett siya." Pero totoo naman eh. Sino ba naman kasing tao ang hindi maiinis sa pagiging mapagmalinis niya kahit na hindi siya malinis? Sinabi ko nga sa iba kong mga kaklase na naiirita ako kapag nakikita ko ang kanyang mukha. Hindi ko alam kung bakit o baka naman sadyang nakakairita lang talaga ang aura niya. Kaya't lumabas ako at tumalon talon doon at na-gets naman yun ng iba. Tapos kanina naman, tapos na kasi ang exam. Biglang umeksena at sinabi,"Ako, pupunta ako ng *TOOOOOOOOOT* (censored ito dahil alam ko namang hindi sila magbibigay ng ad fee kung sakali)." Tapos sinabi naman ng aking kaklase na si Mickey,"Ay nako! Walang pupunta dito ng *TOOOOOOOOOT* (censored ulit)! Umalis na kasi yung mga pupunta doon." Tapos sabi ko naman sa utak ko,"Oo nga naman." Then sabi niya,"Ay, sabay na lang ako sa iyo!" Sabi ko,"Bakit, hindi naman ako pupunta ng *TOOOOOOOOT* ah?" Reply niya naman (ano `to, text?), "Hindi yun. Sabay na tayong lumabas kasi lalabas na lang rin naman ako." Paste na iyan. Ano kami, close? Close? Close? Utot. (Sorry sa mga mababantot na salita. Iyon lang ang nararamdaman ko eh.)
  2. Si Itay. Kasi, pagdating ko ng school ay nakita ko siyang ginugupitan ng buhok gamit ang blade. Naawa naman ako sa kanyang buhok dahil ang patilya niya ay nawala at naging kalbo. May sugat nga eh, nakakaawa. Edi ako naman, nag-a la parlorista na nagprisenta na i-trim ang kanyang buhok. Medyo matino naman ang aking gupit ngunit halata pa rin ang "uka". Naawa nga ako sa kanya dahil parang iiyak na talaga siya.
  3. Si Juan. Ako yung nasasaktan eh. Kahit pa sabihin natin na wala talaga, alam ko at nararamdaman ko ang kanyang nararamdaman. Masakit 'yun eh. Oo, naramdaman ko rin iyong nararamdaman niya pero I have a different case. Nakikita ko si *TOOOOOOOOOOOOOOT* at si *TOOOOOT* na ang sweet sweeet. Pero sa case niya, may hawig lang pero hindi ganoon. Hindi awa ang nararamdaman ko para sa kanya kundi pagiging broken din. Oo, nahahawa na yata ako. Ako yung nasasaktan sa kanya kahit pa sabihin nating wala siyang hinihintay at alam niyang walang sasalo sa kanya kapag nahulog siya. Nakaka-ugh! Masakit iyon. Masakit na masakit. Naalala ko nung may sinabi siya, parang yung puso ko ang nadurog. Hindi yung kanya. Hindi naman ako manhid upang hindi maramdaman iyon. Parang ang puso ko pa ang napapagod. Napapagod na mag-pump ng dugo sa buong katawan.
Iyon lamang muna sa ngayon. Oo nga pala, may date ako noong Araw ng mga Puso. Ang sarili ko. I love myself.

Saturday, February 12, 2011

Addicted by Stevie Hoang


Since you went away it's been one year two months
But it just don't seem like yesterday we were still together
Time has passed and things have changed so
Why do I feel this way
'Cause you're with somebody else
And I'm with somebody else but

Whenever I think about the love we had
It hurts so bad
Whenever I think about the love we made
I said that I'd be strong
Girl I really thought that I'd move on
But still I find myself asking

Do you still think of me like I think about you
Do you still dream of me 'cause I can't sleep without you
Tell me if time should make a change
Then why do I feel the same
Your love has got me addicted
Said I don't know
When I'm with a chick and hittin' it girl I call your name
Said I don't know
When I be with somebody else I push them away
Tell me if time should make a change
Then why do I feel the same
I know I gotta move on but I'm so addicted to you

It's been long enough don't know why I'm still holding on
If I had a wish babe I would turn back the hands of time
'Cause you don't know what you got until it's gone
It's the reason why I'm writing you this song
Girl I'm slippin' and I don't know what to do
Girl I admit it, I'm sick over you
Damn I realized my mistake, my pride got in the way
I should have begged you to stay

Do you still think of me like I think about you
Do you still dream of me 'cause I can't sleep without you
Tell me if time should make a change
Then why do I feel the same
Your love has got me addicted
Said I don't know
When I'm with a chick and hittin' it girl I call your name
Said I don't know
When I be with somebody else I push them away
Tell me if time should make a change
Then why do I feel the same
I know I gotta move on but I'm so addicted to you

If you ever lost someone you truly love
Let me hear you say yeah
And if you lost someone you truly need
Let me hear you say yeah

Do you still think of me like I think about you
Do you still dream of me 'cause I can't sleep without you
Tell me if time should make a change
Then why do I feel the same
Your love has got me addicted
Said I don't know
When I'm with a chick and hittin' it girl I call your name
Said I don't know
When I be with somebody else I push them away
Tell me if time should make a change
Then why do I feel the same
I know I gotta move on but I'm so addicted to you


(More lyrics: http://www.lyricsmode.com)

Be my Valentine.

Wala akong boyfriend kaya wala akong ka-date sa araw ng mga puso at isa pa ay wala akong balak magkaroon ng kasintahan. Wala kayong pakialam kung single ako at walang jowawa pero pakialamera ako kung kaya naman ay marami akong satsat ukol sa mga naghahanap ng kasintahan ngayon bago mag-araw ng mga puso. Sa tingin ko kasi ay kaya lang sila naghahanap para hindi sabihin ng mga friends nila na malamig ang Valentine's Day nila. Masarap kaya ang buhay single. Try mo. Hindi ko naman kasi kailangan ng boyfriend. Sakit lang iyan sa ulo at isa pa bata pa ako para diyan. Yung iba nga, Grade Six pa lang may jowa na. Ang babata pa paglalandian *Sorry for the term, I just have to be straight to the point.* na ang inaatupag. Bakit hindi na muna kayo mag-aral tapos mag-boyfriend na lang kayo kapag may trabaho na? Oo nga at cute tignan pero kung Grade Six ka pa lang at may jowa ka na, ay nako! Noong Grade Six pa lang ako ay paglalaro lang ng jackstone, ten-twenty, Chinese garter at patintero lang ang inaatupag ko at ng mga kaibigan ko. Grabe, iba na talaga ang mga kabataan ngayon. (Kung makapagsalita ako parang ang tanda ko na e noh?) Bakit hindi ka na lang makipagdate sa mga aklat mo sa paaralan at mag-aral ng mabuti dahil may pagsusulit na naman? Haaay, ewan.

Ang weird ba? Parang ang layo na ng post ko sa topic. Pero hindi bale na, basahin niyo na lamang. Hindi ako kumokontra sa mga may jowa at naghahanap pa lang ng jowa. Nais ko lang ipahayag ang aking naoobserbahan sa mga panahon ngayon. Pero ilalagay ko na lang ang aking opinyon sa pagkakaroon ng boyfriend tutal naman ay malapit na ang araw ng mga puso, may konek na rin naman ito kahit kaunti. Gusto ko kasi na ang unang magiging boyfriend ko, ay siya na ang makakasama ko sa aking pagtanda. Ang cute kayang tignan at ang sweet hindi ba? Pangalawa, books before boys muna. Ayon sa aking naobserbahan ay karamihan sa mga may jowa ay nadidistract pero yung iba naman ay hindi. Pero mabuti na rin iyong nag-iingat. Pangatlo, NAKAKA-EMO.  Lalo na kapag nag-away o nagtalo kayo. Kaya para na rin makaiwas sa heartbreaks. Pang-apat ay hindi pa ako handa sa mga ganyang bagay. Pang-lima, baka hindi na naman ako makahinga kapag nagkataon. :] Pang-anim, Strict ang parents ko at ako sa sarili ko. Last but DEFINITELY NOT THE LEAST, I put God first in my heart.

Friday, February 11, 2011

Gintong pagkain.

Lagi akong nagrereklamo ukol sa mga presyo ng pagkain. *Oops, I don't want to hurt anybody's feelings okay. I just want to tell the truth* Lalo na sa presyo ng pagkain sa canteen ng aming paaralan. Oo, napakamahal ng bilihin. Kung kaya naman ay laging nauubos ang baon kong pera sa isang araw lang. Kung noon ay nakapaglalagay pa ako ng salapi sa aking alkansiya, ngayon ay hindi na sapagkat wala nang natitirang pera maliban sa mga Rizal na naiiwan sa aking pitaka. Naiinis lang ako, hindi naman kasi lahat ng nag-aaral sa isang pribadong paaralan ay sobrang yaman na kayang bilhin lahat ng paninda sa tindahan. At hindi rin naman lahat ay nakapagluluto ng baon tuwing umaga. Minsan nga, parang ayoko nang kumain dahil sa sobrang mahal ng bilihin hindi lang sa aming paaralan kundi sa iba pang mga lugar. Nakapanghihinayang kasi hindi ba? Napakakaunti na nga, hindi pa malinamnam. Para ka lang lumunok ng isang baso ng softdrinks na walang lasa at nakabubutas ng sikmura.

Papel.

"Classmates, pahingi ng papel."
"May papel ka ba?"
"Sino ang may papel?"
Ganyan ang karaniwang maririnig mo sa isang silid-aralan lalo na kapag may quiz at hindi sa isang quiz notebook ilalagay ang isang quiz. Aminado akong lagi akong ganyan dahil wala akong papel. Alam niyo kung bakit? Una sa lahat, ayaw na ayaw kong nagdadadala ng papel. Bakit ko nasabi iyan? Kasi nga, madaling maubos lalo na kapag may mga quiz at ako rin ang mawawalan. Mabuti nang humingi na lamang kaysa naman magsinungaling ako na wala na akong papel, hindi ba? Pangalawa, nakatatamad. Tumataba at bumibigat na kasi ang bag ko na parang masisira na dahil marami na itong nakakain na gamit ko kaya't ayoko nang lagyan pa ito. Pangatlo, sabi nila, "SAVE MOTHER EARTH" hindi ba? Kaya naman para hindi na mailagay sa panganib si Mama Earth, manghihingi na lang ako. Isa pa sa mga dahilan ay MAAKSAYA AKO SA PAPEL.Oo, mas magastos ako sa papel kumpara sa pera. Ayun lang.

Template.

Eto ang pinaka-unang ginawa kong template para sa blog na ito. Ginugol ko ang 7 oras ko para lang dito. Pero medyo pangit pa rin. :( Pero ayos lang, basta sariling gawa ko muna. Haha.

0001

Ito ako. Ayokong maglagay ng mga larawan ko ngayon
dahil baka ma-discover ako sa sobrang ganda ko.