Friday, February 11, 2011
Gintong pagkain.
Lagi akong nagrereklamo ukol sa mga presyo ng pagkain. *Oops, I don't want to hurt anybody's feelings okay. I just want to tell the truth* Lalo na sa presyo ng pagkain sa canteen ng aming paaralan. Oo, napakamahal ng bilihin. Kung kaya naman ay laging nauubos ang baon kong pera sa isang araw lang. Kung noon ay nakapaglalagay pa ako ng salapi sa aking alkansiya, ngayon ay hindi na sapagkat wala nang natitirang pera maliban sa mga Rizal na naiiwan sa aking pitaka. Naiinis lang ako, hindi naman kasi lahat ng nag-aaral sa isang pribadong paaralan ay sobrang yaman na kayang bilhin lahat ng paninda sa tindahan. At hindi rin naman lahat ay nakapagluluto ng baon tuwing umaga. Minsan nga, parang ayoko nang kumain dahil sa sobrang mahal ng bilihin hindi lang sa aming paaralan kundi sa iba pang mga lugar. Nakapanghihinayang kasi hindi ba? Napakakaunti na nga, hindi pa malinamnam. Para ka lang lumunok ng isang baso ng softdrinks na walang lasa at nakabubutas ng sikmura.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment