Tuesday, March 1, 2011

Ooh baby, you're bringing me down.

Sa totoo lang, na-post ko na ito sa tumblr ko. Pero gusto ko lang i-repost ulit. :[ Depressed ako.
May sarili akong diskarte sa buhay. You don’t have to tell me that I have to do this instantly, I have to do that now. Ayokong biglain, dahan-dahan lang. -_____________-“
.
My life? I don’t know. Because instead of encouraging me, you are bringing my feelings down. YOU are blaming me and it just “SHEESH”. I’m crazy. Nanghihina na pati buong katawan ko, I give up. I didn’t do anything, really. :[ Wala naman talaga iyon eh, ganyan lang talaga kayo.
.
Naiinis ako. Naiinis ako. Naiinis ako.
.
Kanino? Kanino? Kanino? Kanino?
.
Sa sarili ko. Walang kwentang tao ako. Emo na kung emo, eh iyon naman talaga ang nararamdaman ko sa ngayon eh. :[ Sa mga kakilala ko in person na nakakabasa nito, wag niyo naman sana akong husgahan. Feeling ko kasi pini-pressure ako eh. Sana hindi ulit ako makahinga ng maayos. At sana, sa hindi ko paghinga ng maayos…matapos na lahat ng ito. :’(.
Bakit ba kasi napakalungkot ko? Malapit na nga birthday ko, nagkakaganito pa ang buhay ko. :( BAKIT?
.
Oo, aaminin ko na. May pagka-emo ako. Mahina ako. Hindi ko kaya ang ganito. Ayoko na, sumusuko ako agad. :( Minsan gusto ko nang mawala sa mundong ibabaw na ito, gusto ko nang wakasan ang buhay ko pero ayoko. Iniisip ko lang iyon. Pero isa talaga akong malungkutin na bata. Kasi naiisip ko..”Will it be worth it if I would just kill myself?” Kasi hindi naman solusyon ang mamatay para mawakasan lahat ng ito eh. Hindi ko alam. Oo, may pagka-emo ako pero hindi ko naman kayang bawiin ang sarili kong buhay. Siguro ay hindi ako katulad ng mga emo na naglalaslas. Emotional lang talaga ako. Kasi yung iba iniisip na kapag emo ka, dapat ganito ganyan. Pero siguro, ibang klase yung pagka-emo ko. :[.Naiilang ako sa mga matang nakatingin sa akin habang naglalakad ako, nakaupo, nakatayo, o kung ano pa man ang ginagawa ko. Parang may isang krimen akong nagawa. Para bang napakalaki ng kasalanan ko. Sa pagkakaalam ko, wala naman. Hindi naman ako pumatay ng tao. Hindi ako nagnakaw. Wala. Wala akong ginagawa para tignan ninyo ng ganyan..Gustong lumuha ng aking damdamin ngunit hindi ko ito mailabas dahil ayaw ng aking mata at luha. Hindi sila nakikisama. :[.Basta, nalulungkot ako. Sobrang lungkot ko. :[ Ayoko na.

No comments:

Post a Comment